Wednesday, February 20, 2008

"From Parents, With Love"


"Pasensya Ka Na, Anak"


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag
dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng
sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.

Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag
mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag
mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo
o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag
mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.

Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan
mo anak noong bata ka pa?kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang
gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na
rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong
piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag
nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag
may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam
kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga
kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan
kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa
iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan
mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na
naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng
loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag
kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain
ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan


Thursday, February 7, 2008

Gays' Anatomy

"Diretsyo sila sa impyerno!". Ito ang karaniwang sagot ng mga ultra at mega conservative na mga "kristiyano" tuwing sila ay mahaharap sa mga issues regarding homosexuality, same-sex marriage, at gay love. Dito ay tahasan nilang tinutukoy ang mga bakla at tomboy bilang mga 'imoral' at walang karapatang pumasok sa kaharian ng Diyos. Without a single doubt, ang panlipunang diskriminasyon na sumasakal sa mga homosexuals sa Pilipinas ay talamak at masasabi ko na ring garapal sa modernong panahong ating ginagalawan. As a matter of fact, survey done by SWS in 2001 reveal that Filipinos in general held largely negative views toward lesbians and gays. More than 50% of the respondents said that homosexuality can never be rationalized, while a quarter would rather not have lesbian or gays as neighbors. Ang diskriminasyong ito ay isang katotohanang mahirap burahin at tila isang anino na susunod sa mga homosexuals saan man sila pumunta.......sa opisina, sa eskwelahan, sa simbahan, at ang pinakamasakit sa lahat, sa kanilang mga sariling tahanan. Marahil ay hindi na bago sa atin ang mga eskwelahan at mga kompanyang tila kriminal ang tingin sa mga homosexuals dahil sa hindi makatarungang diskriminasyong ito. If you're gay, you have to accomplish something extraordinary so people will see beyond your sexual orientation. Ito ang katotohanan. Reality bites. Ngunit sa gitna ng pagtalakay ng isyung ito, isang mala-million dollar question ang nagpop-up sa aking isipan: Mahal ba ng Diyos ang mga miyembro ng third sex? Isa itong tanong na alam kong magpapasimula ng isang mabagsik na debate sa pagitan ng mga liberal at mga konserbatib. Maraming bersikulo sa Bibliya ang direktang kumukundena sa mga bakla at mga homosexual acts ngunit hindi ito sapat na dahilan, sa aking palagay, upang pagkaitan natin ang mga homosexuals ng mga karapatan na mayroon ang mga karaniwang 'straight' people. Sila'y mga tao din na may sariling damdamin and just victims of the devil's deception. Ayon nga sa kasabihang "hate the sin, love the sinner", dapat nating imulat ang ating kaisipan sa katotohanan na ang mga gays ay mga biktima lamang ng kamunduhan, mga taong nahulog sa patibong ng diyablo, at mga kaluluwang dapat lang nating kaawaan at kahabagan, hindi pagtawanan at tuyain. I'm talking to the homophobics, in particular, na tila hindi pa rin naimulat ang kanilang kaisipan sa mga katotohanan regarding homosexuality. Let's just embrace diversity and acknowledge the fact that we all live in a fallen world inhabited by sinners. Yes, we are all imperfect and all fallen short of the grace of God, so who are we to judge gays? Everyone is free to live and definitely deserves a second chance. A chance to change and grow spiritually. But to everything there is a season and a time for every purpose, under the heaven. So for now, let us treat them humanely and fairly, appreciating the great contributions they have brought to our society and the uplifting fact that God, also, loves them unconditionally. Sayonara!